Tungkol saan?
Tungkol saan?
‘Yan ang malaking palaisipan.
Para saan?
Para saan?
Para sa kanya nilalaan.
Hinihimas ang balbas
Sa TV, walang palabas.
Ano na?
Ano na?
Pinapatugtog si Santana.
Pa’no na?
Pa’no na?
Idaan mo na lang sa harana.
Lakad dito, lakad doon
Nagawa mo na ‘yan noon.
Sino ba?
Sino ba?
Kanina ka pa nakasalumbaba.
Tatlong rosas?
Tatlong rosas?
Humigop ka muna ng sopas.
Manipis na pitaka
Ngayon ka pa nagtaka.
Anong oras na?
Anong oras na?
Isip mo’y hinanghina.
‘Sang kanta?
‘Sang kanta?
Puro ka naman banta.
Subukan mong humuni
Takot mo’y guni-guni.
Bakit ba?
Bakit ba?
Pag-aalinlangan itabi't ibaba.
Kailan mo balak?
Kailan mo balak?
Tama na ang alak.
Papogi sa salamin
Mata mo’y umaamin.
Okay lang kaya?
Okay lang kaya?
Ayain mo mamaya.
Pa’no nga ba?
Pa’no nga ba?
Pusong kakabakaba.
Kumain sa labas
Dalawang order ng gambas.
Totoo ba ‘to?
Totoo ba ‘to?
Naubos mo na nga ang risotto.
Masaya ka na ba?
Masaya ka na ba?
Edi wala ka nang pangamba.
Ang gandang isipin
Ang angas mo parang si Lupin.
Ano pang hinihintay mo?
Ano pang hinihintay mo?
Ayan na nga’t nasa harap mo.
Ga’no pa katagal?
Ga’no pa katagal?
Pagong lang ang babagal-bagal.
Wala ng “pero-pero”
Mahahampas kita ng yero.
Saturday, February 14, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



0 comments:
Post a Comment